University Libraries, University of Saint Louis

IMG_0274Ang Agosto ay Buwan ng Wika na itinatag ni Manuel L. Quezon noong 1936. Kaugnay nito ipinagdiwang ng Silid-Aklatang Pangkolehiyo ng Unibersidad ng San Luis ang kahalagahan ng ating wikang pambansa sa temang : “Filipino: Wikang Pagkakaisa” noong Ika-27 ng Agosto, 2014. Idinaos ang pagdiriwang sa pangalawang palapag ng gusaling Teophiel Verbist, alas- tres ng hapon sa pangunnguna ni Daisy Q. Dagdag, Filipiniana Librarian ng nasabing unibersidad.

Sa nasabing selebrasyon ay ginanap ang iba’t – ibang patimpalak  na sinaluhan ng mga mag-aaral mula sa iba’t – ibang departamento gaya ng mga sumusunod: Shelfie, Pick- up Lines at paglikha ng Slogan ng mga Unnoni (Mga Kasabihan sa Wikang Ybanag). Ang mga nagsilbing hurado sa nasabing patimpalak ay sina: Gng. Venus I. Guyos, Direktor ng Silid- Aklatan; Gng. Juliet D. Villanueva, Taga- Pangasiwa ng Silid- Akltang Pangkolehiyo; Gng. Arlyn S. Cristobal, Tagapangasiwa ng Silid Aklatang Pang Elementarya; at si Bb. Michelle M. Alilam, Tagapangasiwa ng Silid- Aklatang Pang Sekundarya. Si Gng. Daisy Dagdag naman ang naging taga-pagpaliwanag ng panuntunan sa mga nasabing patimpalak. Sina G. Gremar Guillermo at Gng. Danolene Marie Tugade ang nagsilbing mga guro ng palatuntunan.

Tunay na naging makahulugan at makasaysayan ang pagdaraos ng mga aktibidad sa araw  na ito sapagkat ang mga mag-aaral ay sobrang nakiisa, nakisaya at higit sa lahat nagpakita ng angking talino sa paglikha ng mga kasabihan at  nagpakita ng kani-kanilang talento sa paglikha naman ng slogan. Isa sa nagbigay kulay dito ay ang pambungad na presentasyon ng mga staff ng silid- aklatan na kung saan ay hinihikayat ang mga mag-aaral na magbasa para lalo pang pagyamanin ang kaisipan tungo sa katalinuhan.

Inanunsiyo at iginawad ang mga sertipiko at regalo  sa mga nagwagi sa mga patimpalak kung saan ang resulta ay ang mga sumusunod:

1. Sa Pick- up Lines:

Philip Reden Lappay,  Gobernador ng SEAID- Unang pwesto

Natalie Valencia ng SEAS- pangalawang pwesto

Dan Llanto, Gobernador ng SICS- pangatlong pwesto

2. Sa Shelfie

Mark Daniel Pattaguan at Angelie Mae Cabungcal ng SHVED- unang pwesto

Patrick Reyes ng SBAA at Rosannie Gapusan ng SEAID- pangalawang pwesto

Vincent Ruiz ng SEAID at Sarah Joy Malana ng SEAS- pangatlong pwesto

3. Unnoni (Slogan Making):

Jan Lester Daggao ng SBAA- unang pwesto

Saila De Francia ng SHS- pangalawang pwesto

Krishane Sagayaga ng SEAS- pangatlong pwesto